GMA Logo Family Feud Auditions
What's on TV

Auditions para maging studio contestant sa 'Family Feud' Philippines, simula na

By Jimboy Napoles
Published December 10, 2022 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beloved local coffee shop finds new home in a cozy standalone café in BGC
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants
Multicab falls into ravine in Ayungon, Negros Or; 8 dead

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Auditions


Good news, Team Bahay! Simula na ng auditions upang maging studio contestant sa 'Family Feud Philippines.' Basahin dito kung paano makasali:

May maagang pamasko ang highly-rating weekday game show ng GMA na Family Feud Philippines sa inyo. Dahil ngayong December 10, simula na ng auditions para maging studio contestant na maaaring makapag-uwi ng up to PhP200,000.

Narito ang mga kailangang gawin upang makasali:

1. Bumuo ng grupo na may limang miyembro, pamilya man ito o barkada. Ang bawat miyembro ay dapat 18 taong gulang pataas.

2. Ang grupo ay gagawa ng isang audition video na ipapadala sa Facebook page ng Family Feud Philippines via direct message o Messenger.

3. Ano ang dapat gawin sa audition video?

Magpakilala: Pangalan, team name, place of origin/pinagmulan, at trabaho o pinagkakaabalahan.

Sabihin kung bakit niyo gustong sumali at bakit karapat-dapat kayong piliin para maglaro.

Ipakita ang pagiging makulit o masayahin, puwedeng kumanta at sumayaw.


4. Ang audition video ay dapat ay nasa 3 hanggang 5 minuto.

5. Ipapadala lamang ang audition video sa Facebook page ng Family Feud Philippines via direct message o Messenger. Huwag na huwag itong ipo-post sa comments section.

6. Ang mapipiling grupo ay makatatanggap ng mensahe mula sa Family Feud Philippines.

Basahin naman ang Data Privacy Statement na nasa larawan na ito:


Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA. Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.