GMA Logo Dingdong Dantes
What's Hot

Award-winning actor Dingdong Dantes teases new "fun" project

By Jimboy Napoles
Published March 1, 2022 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Ano kaya itong bagong proyekto ni Dingdong Dantes? "It's time to have some Fun!"

Fresh mula sa successful GMA primetime mini-series na I Can See You: AlterNate, muling mapapanood ang Kapuso na si Dingdong Dantes sa isang bagong proyekto.

Sa isang Instagram post, ipinasilip ni Dingdong ang stage ng kanyang bagong programa.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

"The stage is set….It's time to have some Ƒun!," caption ni Dingdong sa kanyang post.

Agad naman na nagkomento sa post na ito ni Dingdong ang kanyang asawa na si Marian Rivera.

"Yaaaay [heart eyed emoji] congratulations mahal [praying emoji]," ani Marian.

Nagpakita naman ng excitement ang maraming netizens sa "fun" project na ito ni Dingdong.

"Congratulations po Sir Dingdong Dantes, Yahoo! mapapanood ka namin muli," saad ng isang netizen.

"Wow!!! New show for the king!," komento naman ng isang fan.

Ang isa namang follower, may hula na kung ano ang bagong proyekto ng kanyang idolo.

Aniya, "Congrats po, Sir Dong. Mukhang alam ko na po kung para saan ang stage na 'yan."

Sa loob ng maraming taon, pinatunayan ng aktor, celebrity dad, host, direktor at businessman na si Dingdong ang kanyang versatility. Patunay dito ang kanyang husay sa pagganap sa iba't ibang karakter sa hindi na mabilang na mga proyekto sa telebisyon at pelikula.

Si Dingdong din ang kasalukuyang host ng GMA infotainment program na Amazing Earth kung saan ipinakita ng aktor ang kanyang pagiging naturally adventurous side.

Sa ngayon, abala rin si Dingdong sa pagpapatakbo ng YesPinoy Foundation na kanyang inumpisahan upang makatulong sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.

Ano pa kaya ang kayang gawin ni Dingdong upang magpasaya pa ng maraming Pinoy? Abangan 'yan!

Samantala, mas kilalanin naman si Dingdong sa gallery na ito: