GMA Logo Royce Cabrera
What's on TV

Award-winning actor Royce Cabrera, gaganap bilang masahista sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published February 4, 2021 10:22 AM PHT
Updated February 4, 2021 2:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera


Gaganap si Royce Cabrera bilang masahistang ibebenta ang sariling dangal sa brand new episode ng '#MPK.'

Fresh at brand new lahat ng episodes na mapapanood ngayong buong Pebrero sa real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Tampok ang bagong pirmang Kapuso na si Royce Cabrera sa unang episode ngayong Pebrero.

Ito ang unang pagkakataong magiging bida ang award-winning actor sa #MPK. Una na siyang lumabas dito sa episode ng "Fishergays: Mga Tigasing Sirena sa Laot" kasama sina Jak Roberto, Dave Bornea, Raphael Robes, at Mela Habijan.

Pinarangalan siya bilang Best New Lead Actor sa 7th Urduja Heritage Film Awards 2020 para sa pagganap niya sa pelikulang Fuccbois.

Nakatanggap din siya ng nominasyon bilang Best Actor sa Gawad Urian 2020 Awards para sa parehong pelikula.

Nominado rin siya at Fuccbois co-star na si Kokoy de Santos para sa Best Performance sa Young Critics' Circle 2020.

Bibigyang-buhay ni Royce ang kuwento ng isang binata na ibebenta ang sariling dangal para sa kanyang pamilya.

Gaganap si Royce bilang si Makoy, na mapipilitang tumigil sa pag-aaral para magtrabaho para sa kanyang pamilya.

Magkakaroon kasi ng malubhang sakit ang kanyang ama kaya hindi na ito makapagtrabaho. Marami ring gastusin para sa pagpapagamot nito.

Mapipilitan namang magtulak ng droga ang kanyang ina para tustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya, pero kalaunan ay mahuhuli ito at makukulong.

Makikiusap siya kay Makoy na tulungan siyang makalabas mula sa piitan, bukod sa pagsuporta nito sa kanilang pamilya.

Dahil kulang ang sahod bilang isang masahista, matutukso si Makoy sa alok ng kanyang regular customer.

Kakapit siya sa patalim at papayag na ibenta ang sariling katawan kapalit ng malaking halaga ng pera.

Bukod kay Royce, bahagi rin ng episode sina Neil Ryan Sese, Alma Concepcion, at Starstruck Season 7 Ultimate Male Survivor Kim de Leon.

Abangan sa brand new episode na pinamagatang "Masahista for Hire" ngayong Sabado, February 6, 8:00 pm sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: