GMA Logo Hula Who
What's on TV

Award-winning actress, hindi niya bet leading man niya noon?

By Aedrianne Acar
Published April 1, 2024 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga pulis, nagulat kung sino ang hinabol nilang carnappers | GMA Integrated Newsfeed
Stolen motorcycle traded for alleged shabu recovered
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Hula Who


Ano ang ginawa ng isang popular actress nang may nakatrabaho siya noon na hindi niya bet?

Big on revelation at tawanan ang naging one-on-one collaboration ng Kapamilya actress na si Kim Chiu sa isang award-winning actress sa kaniyang latest vlog.

Sa YouTube channel ng It's Showtime host, sumabak ang magaling na showbiz personality sa 'Never Have I Ever' segment, kung saan umamin ito kay Kim na meron time na nainis siya sa kapareha niyang leading man.

Pagkumpirma ng aktres tungkol sa kinainisan niyang co-star noon, “Wala ako ginawa, pero pinaramdam ko sa kaniya na hindi ko bet.

“Pero ngayon, okey na kami. Nasa ano na ako nasa acceptance stage na ako.”

Sabat na tanong ni Kim Chiu, “Na?”

Muling paliwanag ng aktres, “Kasi dati, nung Mano Po [Legacy], late. So 'yun ang naging issue namin for a while. 'Tapos, nung finally inaccept ko na 'yun about him.”

Dagdag pa ng primetime actress na malaki na ang ipinagbago ng co-actor na ito at maituturi niya na itong kaibigan.

“And in fairness naman din sa kaniya, umeffort na rin siya mapaaga ngayon. Maging on time dahil sa akin. Ina-admit niya 'yun… Kaya ngayon were very good friends na, okey na kami.”

Sino kaya ito? Alamin ang buong kuwento na ito ng popular actress kay Kim Chiu sa video below!

RELATED CONTENT: ICONIC TELESERYE OF BARBIE FORTEZA