GMA Logo Kim Hyun soo
What's Hot

Award-winning actress Kim Hyun-soo, tampok bilang si Rona sa 'The Penthouse'

By Dianara Alegre
Published April 29, 2021 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Hyun soo


Hanggang saan ang kayang tanggapin ni Rona na pambu-bully at pangungutya para sa kanyang mga pangarap?

Ipinakilala na sa unang linggo ng high-rating Korean drama series na The Penthouse ang powerhouse cast nito na kinabibilangan ng mga award-winning actress na sina Eugene, Kim So-yeon, at Lee Ji-ah.

Ang The Penthouse ay tungkol sa mayayamang pamilyang nakatira sa 100-floored luxury apartment, ang Hera Palace. Marami ang nag-aasam na tumira sa marangyang apartment dahil bukod sa magandang amenities nito, dito rin nakabatay kung gaano kalakas ang impluwensiya sa lipunan ng residente.

Iikot ang istorya sa ambisyon ng mga karakter na maipasok ang kanilang mga anak sa prestihiyosong school for arts, ang Cheong-ah Arts School. Gagawin nila ang lahat para matulungang makapasok ang mga ito sa pinapangarap na eskweklahan kahit pa sa hindi patas na laban.

Bukod sa kanila, tampok din dito ang young actress na si Kim Hyun-soo na gumaganap bilang si Rona, ang anak ni Cindy (Eugene).

Source: hyeon0_0soo (Instagram)

Kahit mahirap lamang sila ay matayog ang mga pangarap ni Rona. Gaya ng iniidolo niyang si Scarlet (Kim So-yeon), nais niyang maging tanyag na opera singer at mangyayari lamang ito kung makapapasok siya sa Cheong-ah Arts School, ang eskwelahan na nagpo-produce ng mga bigating singers sa bansa.

Talento, impluwensiya, at yaman ang makatutunggali ni Rona para makatuntong dito. Hindi patas ang laban ngunit desidido siyang gawin ang matagal na niyang gusto.

Source: hyeon0_0soo (Instagram)

Ngunit hindi gaya ng mga magulang ng mga kapwa niya estudyante na nangangarap makapasok sa marangyang eskwelahan, hindi sang-ayon dito si Cindy. Pinatitigil din niya si Rona sa pag-aasam nitong maging sikat na mang-aawit.

Lingid sa kaalaman ni Rona ang pinagdaanan ni Cindy sa kamay ng mga naging karibal niya sa Cheong-ah Arts School at ito ang rason ng huli sa pagpigil sa anak. Gayunman, buo ang loob ni Rona na harapin ang mga hamon para sa kanyang pangarap.

Pero hanggang saan ang kayang tanggapin ni Rona ang pambu-bully at pangungutya ng mga mayayamang bully na gagawin ang lahat para pabagsakin siya? Talaga bang hindi pwedeng mangarap ang mahihirap na tulad niya? Ano ang kaya niyang isakripisyo para sa kanyang ambisyon?

Abangan ang mahusay na pagganap ni Kim Hyun-soo bilang si Rona saLunes hanggang Huwebes, 10:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Source: hyeon0_0soo (Instagram)

Samantala, kilalanin ang buong cast ng The Penthouse sa gallery na ito: