
Ano ang gagawin mo kapag nagkaroon ka ng crush sa best friend ng kuya mo?
Sa award-winning Chinese drama na Hidden Love, iikot ang istorya nito kay Sandy (Zhao Lusi), isang independent at artistic na dalagang nagkagusto kay Matthew (Chen Zheyuan), ang best friend ng kanyang kuya na si Ivan (Victor Ma).
Habang tumatagal, mas lalong lumalalim ang pagtingin ni Sandy kay Matthew na nakikita lamang siya bilang nakababatang kapatid ng best friend niya.
Matalas man ang kanyang dila, caring at protective si Ivan kay Sandy.
Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang may gusto si Sandy kay Matthew? Magkakatuluyan kaya sina Sandy at Matthew sa dulo?
Panoorin ang Hidden Love, 9:00 a.m. sa GMA Heart of Asia simula July 7.