What's Hot

Award-winning episode ng 'Wagas,' muling mapapanood sa October 4

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 2, 2020 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Negosyanteng sakay ng pickup, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Zamboanga City
GMA Pinoy TV Program Schedule
2 festivals cancelled due to rising fuel prices

Article Inside Page


Showbiz News

Wagas episode


Balikan kung paano nabuo ang pag-iibigan ng direktor na may Cerebral Palsy na si Ron Sapinoso sa kanyang asawang si Mary Grace.

Tampok sa episode ng Wagas ngayong Linggo, October 4, ang pag-iibigan nina Ron at Mary Grace Sapinoso.

Ginampanan ni Sid Lucero ang filmmaker na si Ron Sapinoso na mayroong Cerebral Palsy, samantalang

Isang film director si Ron (Sid Lucero) na mayroong Cerebral Palsy na naniniwalang walang imposible sa pag-aaral, pagtatrabaho, at pag-ibig basta't siya ay magsumikap.

Upang mapaibig ang kanyang crush na si Mary Grace (Gwen Zamora), nag-aral si Ron kung paano magsalita nang diretso upang maintindihan nito ang kanyang mga sinasabi, bukod sa pagpapadala ng mga regalo at love letter.

Sa ilalim ng direksyon ni Adolf Alix, Jr., binigyang pagkilala ang episode na ito ng Wagas sa U.S. International Film & Video Festival noong 2014.

Muling balikan ang isa sa mga tumatak na istoryang itinampok ng Wagas, ang 'Walang Imposible: The Ron and Mary Grace Sapinoso Love Story,' ngayong Linggo, October 4, pagkatapos ng All-Out Sundays.