
Humakot ng mga parangal sa 2008 Metro Manila Film Festival pati na sa 2009 FAMAS Awards ang historical fiction drama film na Baler.
Tampok dito ang si Anne Curtis bilang si Feliza na anak ng isang Katipunero.
Katambal niya dito si Jericho Rosales na gumanap bilang Celso, isang Spanish mestizo na naging sundalo para sa hukbo ng mga Kastila.
Uusbong ang pag-ibig ng dalawa sa gitna ng rebolusyon.
Nabingwit ng Baler ang Best Picture, Most Gender-Sensitive Film at Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Awards sa 2008 Metro Manila Film Festival. Hinirang namang Best Actress si Anne Curtis at Best Supporting Actor si Phillip Salvador sa parehong parangal.
Balikang ang kuwento ng Baler sa May 29, 11:00 am sa Sine Date Weekends.
Huwag din palampasin ang Cinemalaya indie film na Two Funerals tampok sina Tessie Tomas, Epy Quizon at Xian Lim sa Afternoon Movie Break, 2:00 pm.
Isang bigating crossover naman ang mapapanood sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote sa Saturday Cinema Hits, 6:15 pm.
Sa May 30 naman, tunghayan ang back-to-back comedy films na Iputok mo... Dadapa ako! (Hard to Die) tampok si Vic Sotto, 2:00 pm at Bakit Pa? ni Jessa Zaragoza, 3:35 pm sa Afternoon Movie Break.
Makitawa naman sa Hollywood film na Son of the Mask, 9:20 pm sa The Big Picture.
Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.