GMA Logo Baler
What's on TV

Award-winning film na 'Baler,' tampok sa I Heart Movies ngayon linggo

By Marah Ruiz
Published June 20, 2022 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Baler


Kabilang ang award-winning film na 'Baler' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Ilang romance drama films and hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.

Isa na riyan ang romantic drama film na Island Dreams na pinagbidahan ni Louise delos Reyes.

Island Dreams

Gaganap siya rito bilang bilang Julie, isang babaeng nangangarap maging sikat na singer pero rumaraket muna bilang tour guide para tustusan ang pangangailangan ng nanay niyang bulag.

Makikilala niya si Zach, na ginagampanan ni Alexis Petitprez, turistang Amerikano na hinahanap ang liblib na lugar sa isla na kung tawagin ay True Love's Peak.

Ayon kasi sa mga alamat, mahahanap ng sinumang makarating dito ang kanyang true love.

Makarating kaya sina Julie at Zach sa True Love's Peak? Abangan 'yan sa Island Dreams, June 22, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palampasin sa I Heart Movies ngayong linggo ang award-winning historical romance film na Baler.

Tampok dito ang si Anne Curtis bilang si Feliza na anak ng isang Katipunero.

Baler movie

Katambal niya dito si Jericho Rosales na gumanap bilang Celso, isang Spanish mestizo na naging sundalo para sa hukbo ng mga Kastila.

Uusbong ang pag-ibig ng dalawa sa gitna ng rebolusyon.

Humakot ng mga parangal sa 2008 Metro Manila Film Festival pati na sa 2009 FAMAS Awards ang pelikula.

Kabilang sa mga natanggap nitong pagkilala ang Best Picture, Most Gender-Sensitive Film at Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Awards sa 2008 Metro Manila Film Festival. Hinirang namang Best Actress si Anne Curtis at Best Supporting Actor si Phillip Salvador sa parehong parangal.

Balikan ang kuwento ng Baler sa June 24, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.