
Isang award-winning film ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Huwag palampasin ang Broken Blooms mula sa award-winning director na si Louie Ignacio.
Star-studded ang cast ng pelikula kabilang sina Jeric Gonzales, Therese Malvar, Royce Cabrera, Norman "Boobay" Balbuena, Lou Veloso, at late veteran actress Jaclyn Jose.
Kuwento ito ng bagong kasal na young couple na susubukin ng kahirapan at pandemya.
Umani ito ng iba't ibang parangal internationally at locally, kabilang ang Gold Remi Award for Best Dramatic Feature Film sa 2022 WorldFest Houston, Special Jury Award sa 2022 Brasilia International Film Festival, Indie Movie of the Year sa 2024 Star Awards, at marami pang iba.
Kinilala rin ang lead stars nitong sina Jeric Gonzales at Therese Malvar bilang Best Actor at Best Actress, habang Best Supporting Actor at Best Supporting Actress naman sina Boobay at Jaclyn sa Full-length Fiction category sa 2022 Saskatchewan International Film Festival.
Hinirang din bilang Best Director si Louie Ignacio sa kategoryang Full-length Fiction sa parehong parangal.
Abangan ang Broken Blooms, July 14, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Panoorin din ang Dance of the Steel Bars na pinagbidahan ni The Master Cutter star Mr. Dingdong Dantes at co-directed ng yumaong award-winning Kapuso broadcast journalist na si Cesar Apolinario.
Inspired by the Cebu Dancing Inmates, kuwento ito ng dayuhang si Frank (Patrick Bergin) na maaakusahan ng murder at makukulong sa Cebu.
Makikilala niya sa kulungan si Allona (Joey Paras), isang transwoman na nagtuturo ng sayaw bilang ehersisyo ng mga preso, at si Mando (Dingdong Dantes), isang convicted murderer na itinatago ang hilig niya sa pagsasayaw para magmukhang macho.
Abangan ang Dance of the Steel Bars, July 15, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.