GMA Logo GTV movies
What's on TV

Award-winning film na 'Crying Ladies,' mapapanood sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published September 17, 2021 7:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senator Gatchalian seeks abolition of OMB
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

GTV movies


Isa ang 'Crying Ladies,' starring Sharon Cuneta, Hilda Koronel at Angel Aquino, sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Humakot ng mga parangal sa 2003 Metro Manila Film Festival ang drama comedy film na Crying Ladies.

Pinagbidahan ito ng mga aktres na sina Sharon Cuneta, Hilda Koronel at Angel Aquino na gumanap bilang mga babaeng papasukin ang kahit anong raket para lang kumita.

Magiging professional mourners sila o mga "crying ladies" para sa isang mayamang Chinese patriarch.

Abangan ang Crying Ladies sa September 19, 12:00 pm sa Sine Date Weekends.

Tawanan naman ang hatid ng comedy film na D'Survivors, September 18, 7:55 pm sa Saturday Cinema Hits.

Tampok dito sina Daniel Matsunaga, Fabio Ide, Akihiro Sato, at marami pang iba bilang grupo ng mga modelo na ma-stranded sa isang isla.

Para naman sa mga action movie fans, sagot na ng Afternoon Movie Break ang weekend fix ninyo.

Panoorin ang Anak ng Sultan, starring Jess Lapid Jr., sa September 18, 2:00 pm. Back to back naman sa September 19 ang Si Kilabot at Miss Pakipot, starring Rommel Padilla, 1:45 pm at Pamilya Valderama ni Philip Salvador, 3:45 pm.

Tunghayan din ang thriller film na Swamp Shark aka Jaws of Mississippi sa September 19, 8:30 pm sa The Big Picture.

Patuloy na tumutok sa GTV para sa iba pang mga dekalidad na pelikula.