GMA Logo I Heart Movies
What's on TV

Award-winning film na 'Muro-Ami,' mapapanood sa I Heart Movies sa darating na linggo

By Marah Ruiz
Published October 31, 2021 10:00 AM PHT
Updated March 1, 2022 9:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD, DTI-BOI in talks for possible corporate income tax exemption on economic housing
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

I Heart Movies


Huwag palagpasin ang award-winning film na 'Muro-Ami' sa I Heart Movies ngayong linggo.

Tampok ang award-winning movie na Muro-Ami sa digital channel na I Heart Movie ngayong linggo.

Pinagbibidahan ito ng aktor na si Cesar Montano na gumanap bilang mangingisda na gumagamit ng illegal fishing practice na "muro-ami" o 'yung pagsira ng corals para mapalabas at mahuli ang mga isda dito.

Ang pelikula ay isa sa mga official entry sa 1999 Metro Manila Film Festival kung saan humakot ito ng mga parangal, kabilang na ang Best Picture, Best Director para kay Marilou Diaz-Abaya, Best Original Story para kina Marilou Diaz-Abaya, Ricardo Lee at Jun Lana at marami pang iba.

Huwag palagpasin ang Muro-Ami sa November 6, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Panoorin din si Allen Dizon sa pelikulang Sekyu, November 1, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date. Gaganap siya dito bilang isang tapat na security guard na masasangkot sa isang nakawan na siyang magdadala sa kanya sa piitan.

Panoorin din ang Dance of the Steel Bars, ang pelikulang mula sa yumaong award-winning Kapuso journalist na si Cesar Apolinario at co-director niyang si Marnie Manicad.

Base ito sa kuwento ng tanyag na Dancing Inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center. Tampok din sa pelikula sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at komedyanteng is Joey Paras.

Tunghayan ito sa November 7, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital televisions receivers.