GMA Logo Movies on GMA News TV
What's Hot

Award-winning film na 'Naglalayag,' mapapanood sa GTV

By Marah Ruiz
Published March 12, 2021 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano hangs out with 'KPop Demon Hunters' singer Arden Cho
Why your fire safety plan needs financial backup
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed

Article Inside Page


Showbiz News

Movies on GMA News TV


Huwag palampasin ang award-winning film na 'Naglalayag' nina Nora Aunor at Yul Servo ngayong weekend sa GTV.

Humakot ng mga parangal sa Pilipinas at abroad ang 2004 film na Naglalayag, starring Nora Aunor at Yul Servo.

Movies on GMA News TV


Kuwento ito ng isang love affair sa pagitan ng middle-aged na hukom at isang binatang taxi driver.

Kabilang sa international awards na natanggap nito ang Special Jury Award para sa direktor na si Maryo J. de los Reyes, Best Actress para kay Nora Aunor at Best Actor naman para kay Yul Servo sa 31st Festival International du Film Indépendant de Bruxelles sa Belgium.

Sa Pilipinas naman nabingwit nito ang Best Picture, Best Actress para kay Nora Aunor, Best Actor para kay Yul Servo, Best Supporting Actress para kay Aleck Bovic, Best Director para kay Maryo J. de los Reyes, Best Screenplay, Best Story, Best Musical Score at Best Original Theme Song sa 2004 sa Manila Film Festival.

Sa 2005 FAMAS Awards naman, nakuha nito ang Best Picture, Best Director para kay Maryo J. de los Reyes, Best Supporting Actress para kay Aleck Bovic, Best Story, Best Original Theme Song, Best in Editing at Best in Cinematography.

Tunghayan ang Naglalayag sa March 13, 11:00 am sa Sine Date Weekends.

Huwag din palampasin ang Sekyu, 2:00 pm sa Afternoon Movie Break. Tampok dito ang aktor na si Allen Dizon bilang isang security guard na matutukso na gumawa ng mga ilegal na bagay dahil sa kakulangan ng pera.

Siguradong mapapatawa naman kayo ni Jose Manalo sa Boy Tokwa: Lodi ng Gapo, 6:15 pm sa Saturday Cinema Hits.

Sa March 14 naman, balikan ang kilig ng 2017 Metro Manila Film Festival entry na All of You nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, 12:00 pm sa Sine Date Weekends.

Tunghayan din ang fantasy film na Ang Agimat: Anting-anting ni Lolo sa Afternoon Movie Break, 2:00 pm. Susundan ito ng Santa-santita ni Angelica Panganiban, 4:00 pm.

Action-packed naman ang gabi sa XXX: The Return of Xander Cage, 9:20 pm sa The Big Picture.

Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.