
Ilang mga award-winning films ang bibida sa inyong mga telebisyon ngayong Sabado de Gloria, March 31.
Huwag palampasin ang Laut, 2016 movie na idinirihe ni Louie Ignacio. Istorya ito ng isang grupo ng mga Badjao mula sa Zamboanga na kailangang makipagsapalaran sa Pampanga.
Tampok dito si Kapuso actress Barbie Forteza na nakasungkit ng Best Actress award sa 36th Fantasporto International Film Festival sa Portugal dahil sa kanyang pagganap bilang Nadia. Nakuha din ng pelikula ang Special Mention of the Jury sa nasabing film festival.
Abangan din ang pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.
Tampok dito si Jean Garcia bilang dance at literature teacher, Paolo Avelino bilang estudyanteng may pagtingin sa kanya, at Rocco Nacino bilang isa pang estudyante na hindi malinaw ang mga motibasyon.
Ilan lang sa mga parangal na natanggap ng pelikula ay Best Cinematography - New Breed, Best Original Music Score - New Breed sa 2011 Cinemalaya Independent Film Festival; Best Picture, Best Direction, Best Screenplay, Best Music at Best Cinematography sa 2012 Gawad Urian Awards.
Para naman sa mga artista nito, nakuha ni Jean Garcia ang Best Supporting Actress naman sa 2012 Gawad Urian Awards. Nasungkit din ni Rocco Nacino ang Breakthrough Performance by an Actor sa 2012 Golden Screen Awards at New Movie Actor of the Year sa 2012 Star Awards for Movies.
Panoorin din ang 2012 film ni Paul Sta. Ana na Oros. Iikot ang istorya nito sa magkapatid na nagse-set up ng mga pekeng lamay para gawing sugalan.
Tampok dito si Kristoffer Martin na nakasungkit ng honorable mention bilang Best Supporting Actor sa 16th Annual Long Island International Film Expo noong 2013, pati na Best Supporting Actor sa Golden Screen Awards para sa kanyang role.
Pinarangalan din ang pelikula bilang Best Feature sa 2013 DC Independent Film Festival.
Tunghayan ang tatlong mahusay na mga pelikulang ito simula sa Laut, 11:00 am, Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa 12:00 pm at Oros 1:00 pm sa Sabado de Gloria, March 31.