
Ngayong Lunes, June 5, mapapanood na ang award-winning at hit Korean historical drama na Jumong, na pinagbibidahan ng multi-awarded actor na si Song Il-gook.
Makakasama ni Jumong sa kanyang makasaysayang paglalakbay sina Han Hye-jin bilang So Seo-no, Kim Seung-su bilang Prinsipe Dae-so, Jun Kwang-ryul bilang Geum-wa, Oh Hyeon-su bilang Yu-hwa, Heo Jun-ho bilang Hae Mo-su, Kyun Mi-ri bilang Reyna Wan-hoo, at Song Ji-hyo bilang So-ya.
Ang Jumong ay iikot sa kuwento ng Korean hero na si Jumong. Lumaki siya bilang anak nina Geum-wa at Yu-hwa, na naghahangad na makilala ang tunay niyang ama.
Lalaban siya para maibalik ang dating kaharian, ang Joseon, at patatagin ang magiging dakilang dinastiya ng Goguryeo.
Abangan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m. sa GTV.
Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.