
Simula May 7, mapapanood na sa GTV ang kapana-panabik at award-winning Korean drama series na Signal.
Pinagbibidahan ito ng mahuhusay na Korean stars na sina Cho Jin-woong (Robert), Kim Hye-soo (Mia) at Lee Je-hoon (Nathan).
Ang Signal ay tungkol sa criminal profiler na si Nathan (Lee Je-hoon) na lulutas ng kasong kidnapping gamit ang isang misteryosong walkie-talkie.
Sa tulong ni Robert, ang tao sa kabilang dulo ng walkie-talkie (na nasa nakaraan), reresolbahin ni Nathan ang ibang cold case na hindi nalutas sa loob ng mahabang panahon, habang tinutulungan din ang una sa paglutas ng ilang kaso sa nakaraan.
Samantala, sa pagtuklas ng kasong ito, mabubuo ang isang long-term cold case team na pamumunuan din ni Detective Mia Cha (Kim Hye-soo), na hinahanap ang matagal na niyang nawawalang mentor na si Detective Robert Lee (Cho Jin-woong).
Ngayong may pagkakataon silang baguhin ang nakaraan, gagawin ba nila ito alang-alang sa hustisya kahit na magulo pa nito ang kasalukuyan?
Nakatanggap ang Signal ng iba't ibang parangal sa 52nd Baeksang Arts Awards, 5th APAN Star Awards, tvN10 Awards, 1st Asia Artist Awards, Korea Content Awards, at Brand of the Year Awards.
Abangan ang Signal sa darating na May 7 sa GTV.