GMA Logo Signal GTV
What's on TV

Award-winning K-drama series na 'Signal,' mapapanood na mamaya sa GTV!

By Dianne Mariano
Published May 7, 2022 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suspek sa paghagis ng granada sa Matalam, Cotabato, patay nang manlaban umano sa mga pulis
'Lantakâ' injures 6-year-old boy, 2 others in NegOr

Article Inside Page


Showbiz News

Signal GTV


Ngayong may pagkakataon silang baguhin ang nakaraan, gagawin ba nila ito alang-alang sa hustisya kahit na magulo pa nito ang kasalukuyan?

Mapapanood na ngayong araw, May 7, ang award-winning Korean drama series na Signal sa GTV.

Pinagbibidahan ito ng mga mahuhusay at tanyag na Korean stars na sina Cho Jin-woong bilang Robert, Kim Hye-soo bilang Mia, at Lee Je-hoon bilang Nathan.

Ang kuwento ng Signal ay tungkol kay Nathan (Lee Je-hoon), isang criminal profiler, na lulutas ng kasong kidnapping gamit ang misteryosong walkie-talkie.

Sa tulong ni Robert Lee (Cho Jin-woong), ang taong nasa nakaraan at kabilang dulo ng walkie-talkie, reresolbahin ni Nathan ang ibang cold case na hindi nalutas sa loob ng mahabang panahon, habang tinutulungan din ang una sa paglutas ng ilang kaso sa nakaraan.

Samantala, sa pagdiskubre ng kasong ito, mabubuo ang isang long-term cold case team na pamumunuan din ni Detective Mia Cha (Kim Hye-soo), na hinahanap ang kanyang long-lost mentor na si Detective Robert Lee.

Ang Signal ay nakatanggap ng iba't ibang gantimpala sa 52nd Baeksang Arts Awards, 5th APAN Star Awards, tvN10 Awards, 1st Asia Artist Awards, Korea Content Awards, at Brand of the Year Awards.

Subaybayan ang Signal tuwing Sabado sa oras na 12:00 noon sa GTV.

Panoorin ang Signal at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.