GMA Logo Wish Ko Lang
What's Hot

'Away-Bata' at 'Nanay Na Binugbog' episodes ng 'Wish Ko Lang,' muling mapapanood ngayong Sabado

By Aimee Anoc
Published July 15, 2023 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang


Balikan ang natatanging pagganap nina Lauren Young at Sunshine Garcia sa "Away-Bata" episode ng 'Wish Ko Lang' at ni Lotlot de Leon sa "Nanay Na Binugbog" ngayong Sabado sa GMA.

Muling mapapanood sa Wish Ko Lang ngayong Sabado ang episodes nitong "Away-Bata" at "Nanay Na Binugbog!"

Tampok sa "Wish Ko Lang: Away-Bata" ang kuwento ng away ng mga bata na nauwi sa malaking alitan ng mga nakatatanda. Pinagbidahan ito nina Lauren Young, na gumanap bilang Janice, at Sunshine Garcia, na binigyang-buhay naman ang misis na si Virna.

Ayaw ni Virna na nakikipaglaro ang anak na si Wilbert (Raphael Landicho) sa mga anak ni Janice na sina Ronnie (Euwenn Aleta) at Jenjen (Arhia Faye). Minsan na ring nasaktan ni Virna ang dalawang anak ni Janice nang mapaaway ang anak na si Wilbert sa mga ito, na nagpalaki ng alitan ng dalawang nakatatanda.

Samantala, ang "Wish Ko Lang: Nanay Na Binugbog!" naman ay tungkol sa kuwento ng misis na si Nancy na nanganib ang buhay matapos na pagtulungang bugbugin ng mga menor de edad.

Binigyang-buhay ni Lotlot de Leon ang kuwento ni Nancy at nakasama niya rin sa episode na ito sina Marcus Madrigal, Gilleth Sandico, Elijah Alejo, Isabel Nesreen Frial, Levince Sotto, CX Navarro, Migo Valid, at Turing.

Huwag palampasin ang "Away-Bata" at "Nanay Na Binugbog!" episodes ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, July 15, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI LAUREN YOUNG SA GALLERY NA ITO: