
Kasalukuyang mayroong one million views online ang eksena sa pagitan ng mga karakter nina Sparkle actress Hailey Mendes at seasoned actress Yayo Aguila sa GMA Afternoon Prime series na Underage.
Sa 62nd episode ng coming-of-age series, matatandaan na ibinalita ni Becca (Yayo Aguila) kay Carrie (Hailey Mendes) na pinalayas niya ang ina nito na si Lena (Sunshine Cruz) at nakababatang kapatid na si Chynna (Elijah Alejo) sa kanilang pamamahay matapos sabihin ng huli sa kanyang tiyahin na hindi na nila kailangan ang tulong nito.
Kinuha naman ni Carrie ang isang bag at binigay kay Becca upang palayasin ito sa bahay ng kanyang ama dahil sa ginawa nito sa kanyang pamilya.
Habang nag-aaway sina Carrie at Becca ay biglang dumating si Rico (Jome Silayan) para patigilin ang dalawa. Matapos ito, sinabi ni Becca kay Carrie na gaganti siya sa pamilya nito.
Nakakuha ng one million views ang nasabing eksena sa official Facebook page ng GMA Drama at pinag-usapan pa ng netizens ang pag-aaway ng mag-tiyahin.
PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)
Bukod dito, nakapagtala ng 8.3 percent ratings ang episode na ito, na ipinalabas noong April 13, ayon sa NUTAM People Ratings.
PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)
Patuloy na tumutok sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime, Kapuso Stream, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Maaari ring i-stream ang full episodes ng Underage at ng ibang GMA shows sa GMANetwork.com o GMA Network App.
SILIPIN ANG KAPUSO PROFILES SHOOT NINA LEXI GONZALES, ELIJAH ALEJO, AT HAILEY MENDES SA GALLERY NA ITO: