
Mapapakinggan na mamaya ang powerful at inspiring na "Awit ni Armea" sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Ito ay kasunod nang pagtakas ni Hara Armea (Ysabel Ortega) sa kanyang kasal na ipinipilit ng konseho ng Sapiro.
Bukod sa handog na awitin ni Armea, abangan din ang mangyayari sa pagtakas ng hara ng Sapiro, na labis na ipag-aalala ng kanyang inang si Hara Alena (Gabbi Garcia).
Samantala noong Lunes (December 22), muling napakinggan ang "Awit ni Lira" na nagbigay "nostalgia" sa manonood. Hinangaan din ng fans ang tagos sa pusong pag-awit na ito Mikee Quintos.
Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
RELATED GALLERY: Mikee Quintos, ipinakita ang behind-the-scenes sa set ng 'Sang'gre'