
Isang madamdaming throwback moment ang naganap kagabi sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Habang nagbabantay sa Balaak, inawit ni Lira (Mikee Quintos) ang kanyang emosyonal na kanta na unang narinig noong 2016.
Maraming viewers ang naantig ang puso nang mapakinggan muli ang “Awit ni Lira” habang binabalikan ang kuwento ng Ivtreng Sang'gre.
May ilan din ang nalungkot para kay Agnem nang ipakita ang kanyang masalimuot na nakaraan—ang pag-ubos ng kanyang kalahi at ang pagkawala ng kanyang minamahal.
Kaagad na dumagsa ang mga komento at reaksyon ng fans online, patuloy na pinupusuan ang madamdaming eksena.
Kasalukuyan, umabot din ng mahigit 20,000 views sa YouTube at 1 million views sa Facebook ang naturang eksena.
"Naiiyak tuloy ako sa kanta ni Lira…," komento ng isang fan.
"Naawawa ako ky agem hindi sya masama nais nya lng nang pamilya at makakasama sa buhay…," dagdag naman ng iba.
Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Iboto rin ang superserye sa GMANetwork.com Awards 2025 bilang Kapuso Daytime and Primetime Drama Series of the Year.
Mag-log in sa www.gmanetwork.com/polls at iboto ang iyong favorite Kapuso stars at shows.
Maaaring bumoto hanggang December 28 at iaanunsyo ang winners sa Kapuso New Year Countdown to 2026 ngayong December 31.
Pakinggan muli ang "Awit ni Lira" sa video na ito: