
Marahil ay hindi alam ng mga marami na naging real life princess si Prinsesa ng City Jail star Ayen Munji-Laurel nang makasal siya sa prinsipe ng Brunei na si Jefri Bolkiah. Ngunit pag-amin ng theater actress, hindi naging madali ang buhay prinsesa at malayo ito sa inaakala ng marami.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, February 3, sinabi ni Ayen na “it's a different world” ang nagging buhay niya bilang isang prinsesa kumpara sa inaakala ng marami.
“Akala nu'ng iba parang 'Ang saya-saya na ng buhay mo, bakit ka pa umalis? Why did you turn your back?' Of course marami nang istorya. Nakakatawa kasi minsan 'pag nababasa ko, parang iba-iba kasi they're making it sound as if parang 'You had it easy na, bakit ka pa-?' So what I mean is it's difficult,” sabi ni Ayen.
Pag-amin pa ng batikang aktres ay kung ikukumpara niya ang buhay niya noong prinsesa pa siya at sa ngayon, masasabi ni Ayen hindi niya ipagpapalit ang buhay na meron siya ngayon.
“Kasi siguro kumpleto 'yung pamilya ko and meron akong asawa na present sa buhay ko. I guess that makes the difference,” sabi ng aktres.
Unang nakasal si Ayen kay Prince Jefri na miyembro ng royal family. Meron silang isang anak, si Hasan. Ngayon ay kasal siya kay Franco Laurel, at may lima silang anak.