What's on TV

"Ayoko ng pusong bato!" - Dion Ignacio

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 6, 2020 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Nakapanayam ng GMANetwork.com ang Kapuso actor na si Dion Ignacio at dahil papalapit na ang Araw ng mga Puso, tinanong namin siya kung ano ang maipapayo niya pagdating sa usapang pag-ibig.

Nakapanayam ng GMANetwork.com ang Kapuso actor na si Dion Ignacio at dahil papalapit na ang Araw ng mga Puso, tinanong namin siya kung ano ang maipapayo niya pagdating sa usapang pag-ibig.

Kwento ni Dion, una siyang na-in love noong high school pa siya. “Noong 17 years old pa lang ako, ‘yun ‘yung first time ko na umibig, sa province pa ‘yon.”

Dagdag pa niya, “’Di ko alam kung paano ma-in love so parang magic ‘yun eh. Ganito pala ‘yung pakiramdam. “

Sa pagpapatuloy niya, nagbigay siya ng mga payo ayon sa kanyang mga naging karanasan.

“Sa love naman kasi ma-a-advice ko, enjoy niyo lang. Meron talagang masaya, meron ding sad moments, so dapat kapag alam mong masaya ka handa ka rin doon sa mangyayari. Handa ka sa saya, handa ka rin sa posibleng malungkot sa huli.”

Naikuwento ni Dion ang karanasan tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Nagkaroon daw siya ng girlfriend noong high school. 

“Ang totoo niyan wala akong gusto sa kanya. Na-develop lang ako, tapos noong huli mas mahal ko na siya. Siya po ‘yung una kong naging girlfriend. At siya rin ang nagpaiyak sa akin. Meron talagang masaya, meron ding sad moments.”

Imbes na panghinaan ng loob, naniniwala si Dion na kahit masaklap ang nangyari, patuloy pa rin siyang iibig, “Si God naman meron itinakda sa ‘yo ‘yan. So kung nagkaroon ka ng girlfriend ulit tapos naghiwalay [kayo], hindi kayo meant to be.”

Lahat ng break-up ay masakit ngunit kailangan pa rin maging matibay ang loob ayon kay Dion.

“Iiyak mo lang at saka huwag ‘yung parang ‘Ayoko na!’ Magiging pusong bato ka, huwag! ‘Yan ‘yung ayoko. Gusto ko ‘yung nasasaktan pa rin ako. Umiiyak pa rin ako. Ayoko ng pusong bato. Kung walang nangyari, okay lang. Open pa rin ako sa love. ‘Di ako magko-close para maging pusong bato.”

Dagdag pa niya,“’Yun ‘yung love, ‘yun ‘yung totoo. ‘Pag nakaramdam ka nun, love ‘yon. Wala ka ng pakialam kahit ano’ng sabihin ng ibang tao.”

Sa kanyang mga naging karanasan, ano sa tingin niya ang makakapagpatibay ng isang relasyon?

“Kapag totoong mahal mo, nandiyan ‘yung trust at saka honesty. Kapag meron ka niyan tatagal ‘yung relasyon niyo. Importante kasi na may tiwala kayo sa isa’t isa at saka lagi kayo mag-effort. So bigyan ninyo ng time sa isang linggo. Kapag busy kayo magkita kayo ng weekends. Iwasan niyo pag-usapan ‘yung past. Nakakasira ng relasyon iyan.” payo ni Dion.

Malapit na nating mapanood ang Kapuso actor na si Dion Ignacio kasama sina Luis Alandy, Gwen Zamora, Max Collins, Jackie Rice, Michael de Mesa, Pinky Amador, Leandro Baldemor, Rita Avila at marami pang iba sa ‘Innamorata’ na magsisimula sa February 17 only on GMA Afternoon Prime.

Para sa karagdagang updates sa paborito niyong Kapuso shows at mga artista, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.