
Isa na namang kwentong kapupulutan ng inspirasyon at pag-asa ang handog ng Wish Ko Lang sa "Babaeng Kandila" episode ngayong Sabado, February 5.
Bibigyang buhay ni Ayra Mariano ang kuwento ni Marissa, isang dalagang tinatawag na babaeng kandila dahil sa tila nalulusaw niyang mukha.
Mas naging mahirap para kay Marissa (Ayra Mariano) ang buhay dahil sa panlalait at panghuhusgang natatanggap niya mula sa mga taong nakakakita sa kanya.
Sa kabila ng mga pang-aapi, determinado ang dalaga na makahanap ng trabaho para makatulong sa kanyang Ate Maricris (Ana De Leon) na tanging natitira niyang pamilya.
Makahahanap ng trabaho si Marissa bilang kasambahay sa isang mansyon na pagmamay-ari ni Madam Jessica (Tina Paner). Pero panibagong pang-aapi ang haharapin ni Marissa sa loob ng mansyon.
Dito, makikilala niya si Prince (Jon Lucas), anak ni Jessica. Posible kayang mahulog ang loob ng guwapo at matipunong si Prince kay Marissa?
Makatatagpo kaya si Marissa ng tunay na pag-ibig sa kabila ng kanyang panlabas na kaanyuan? Huwag palampasin ang nakaaantig na mga tagpo sa "Babaeng Kandila" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, February 5, alas-kuwatro ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Ayra Mariano sa gallery na ito: