
Gaganap si Ayra Mariano bilang si Lui Gonzales sa G.R.I.N.D. (Get Ready It's a New Day). Si Lui ay complicated ang buhay, lalo na ang relationship niya sa kanyang ina. Ang dalaga rin ay may mga kapatid na half-Nigerian, half-Japanese, at half-Italian, a complete contrast naman talaga sa more peaceful family life ng Kapuso actress.
Aniya sa press conference ng show, "Sa akin naman po, personal experience ko sa aking buhay, kasi ‘yung character ko dito, si Lui. Complete opposite siya talaga sa family [ko]. Pati ‘yung personal relationship niya sa mother niya. Kasi kami talaga ng mommy ko, close kami. And ‘yung family ko, okay naman siya. Hindi katulad ng family ni Lui."
Dahil dito, marami rin daw natutunan si Ayra kay Lui, kasama na rito ang pag-intindi na hindi lahat ng tao ay normal ang pamumuhay. May mga istorya katulad ni Lui na talagang mahirap ang pinagdadaanan sa pamilya at sa pang-araw-araw nilang buhay.
Ika niya, "'Yung sa akin, siguro, ‘yung pagiging understanding ni Lui doon sa nanay niya. Kasi bihira ‘yung ganun, nga eh. 'Yung paano niya maiintindihan na ‘yung nanay niya, ano ba ‘yung struggle niya. Kasi 'yung akin minsan mababaw lang. Minsan mapapagalitan ako about sa damit ko lang, about sa posts ko. Kasi ‘yung mom ko, bagets siya, eh. So, ayan siya, supportive siya sa aking ginagawa. Eh, si Lui, siya naman 'yung umiintindi sa nanay niya. Nanay din 'yung thinking ni Lui."
Dagdag naman niya, "Ang natututunan ko talaga kay Lui is 'yung pag-intindi sa mga malalim na bagay. Hindi 'yung mga nakikita mo lang na bagay, meron pang mas malalim na bagay [sa bawat kuwento ng tao, sa buhay nila]. So, [ang natutunan ko ay magkaroon ng] understanding [para sa pamilya at para sa iba], and 'yung effort sa pamilya [hindi dapat mawala]."