GMA Logo AZ Martinez, Ralph De Leon
PHOTO COURTESY: Sparkle GMA Artist Center (Instagram)
What's Hot

AZ Martinez and Ralph De Leon bring joy and kilig to fans at recent fan meet

By Dianne Mariano
Published September 28, 2025 2:34 PM PHT
Updated September 28, 2025 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, patay sa bugbog ng ex-bf ng kaniyang kinakasama
Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

AZ Martinez, Ralph De Leon


Napuno ng saya at kilig ang recent fan meet ng dating 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' housemates na sina AZ Martinez at Ralph De Leon, o AzRalph.

Nagmistulang wedding event ang fan meet na inihanda ng fans ng AzRalph, o ang dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina AZ Martinez at Ralph De Leon.

Sa “Chika Minute” report ni Athena Imperial para sa 24 Oras Weekend, masayang sinalubong nina AZ at Ralph ang kanilang fans sa naganap na event at agad na naghatid ng kilig ang dalawa.

Bukod dito, sumali rin ang AzRalph sa games at pa-quiz na inihanda ng kanilang fans na Razzles at binalikan ang ilang moments ng dalawa sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Naghanda rin ang fans ng mga regalo para kina AZ at Ralph at nagkaroon pa ng fireworks show bago natapos ang event.

Ibinahagi naman ng Kapuso actress kung bakit memorable ang fan meet nila ni Ralph.

"This is the first time na nakita nila kami ni Ralph magkasama, na kami lang dalawa. So that's what makes it memorable also. And parang this is the place and the event where we feel all of the support," kuwento niya.

Sa ngayon, abala sina AZ at Ralph sa acting workshops para sa upcoming television series na The Secrets of Hotel 88, ang bagong collaboration ng GMA Network at ABS-CBN Studios.

Kwento pa ni AZ, nag-request siya ng one-on-one acting workshop sa acting coach na si Ana Feleo.

Aniya, "Magkakasama kami kay Ms. Malou, kaming cast sa Hotel 88. Then kay Ms. Ana, I requested na I wanted to do an acting workshop like one-on-one po. Ako I really want to improve. I want to focus sa craft ko."

Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa ibaba.

RELATED GALLERY: Shipped: AZ Martinez and these male celebrities are giving us kilig feels