GMA Logo AZ Martinez and Ralph de Leon
Courtesy: jonaxlucas IG, _azmartinez IG
What's Hot

AZ Martinez and Ralph De Leon take home the New Female and New Male TV Personality titles at the 7th VP Choice Awards

By EJ Chua
Published April 30, 2026 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Authorities, protesters face off in Manila Labor Day demonstration
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

AZ Martinez and Ralph de Leon


Layag na layag ang Team AZRalph bilang New Female at New Male TV personalities!

May bagong achievement at dream unlocked ang Sparkle star na si AZ Martinez at Star Magic artist na si Ralph De Leon.

Parehas silang nag-uwi ng karangalan mula sa katatapos lang na 7th Village Pipol o VP Choice Awards.

Si AZ Martinez ay pinangalanan dito bilang New Female TV Personality at si Ralph naman ay itinanghal na New Male TV Personality.

Ayon sa kanila, ang pagkilala na kanilang natanggap ay magsisilbing inspirasyon upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang mga ginagawa sa entertainment industry at upang magbigay saya sa kanilang fans at iba pang nakasubaybay sa kani-kanilang journey sa industriya.

Panoorin dito ang naging pahayag ni AZ tungkol sa award:

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Source: sparklegmaartistcenter IG

Samantala, pinag-uusapan sa social media ang mga nakakakilig na eksena nina AZ at Ralph sa ongoing suspense drama series na The Secrets of Hotel 88.

Sina AZ at Ralph ay parehong ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, kung saan nagsimula ang pag-ship sa kanila ng mga nakasama nila sa Bahay Ni Kuya at ng viewers.

Si AZ ang nagwagi sa teleserye ng totoong buhay bilang Fourth Big Placer, habang Second Big Placer naman si Ralph.

Related gallery: Shipped: AZ Martinez and these celebs are giving us kilig feels