What's on TV

AZ Martinez at Ella Cristofani, sasabak sa extraordinary race sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published December 12, 2024 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo shares other headshot options for Miss Universe 2025
#WilmaPH spotted over waters of Can-avid, Eastern Samar
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Amazing Earth


Abangan ang challenge kina AZ Martinez at Ella Cristofani, at ang exciting na mga kuwento ni Dingdong Dantes sa 'Amazing Earth.'

Sina AZ Martinez at Ella Cristofani ay may haharaping exciting at extraordinary race sa Amazing Earth.

Sa Biyernes (December 13), masusubok ang fear of heights nina AZ at Ella dahil sa challenge na inihanda ng Amazing Earth. Si AZ ay sasakay sa isang bike zipline, samantala si AC naman ay may race sa 100 feet hanging bridge.

Tampok din sa episode na ito ang kuwento ni Dingdong Dantes tungkol sa aspin na na-rescue mula sa Leyte at nakatira na ngayon sa Spain. Ilalahad ng kanyang furmom na si Elizabeth Carpentero ang proseso ng travel documents para sa pets.

Mapapanood din sa Amazing Earth ang amazing at kakaibang mga kuwento ni Dingdong mula sa nature series na “South America's Weirdest: Predator Battleground."

Tutukan ang amazing challenge at exciting na mga kuwento na handog ng Amazing Earth ngayong Biyernes (December 13), 9:35 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.