
Simula nang matapos ang Pinoy Big Brother journey ni AZ Martinez, marami ang curious kung nagkaroon na ba ng pagkakataon na magkausap sila ni Larkin Castor sa outside world.
Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, July 23, nilinaw ng ex-PBB housemate kung nagkaroon na nga ba sila ng interaksyon ng kaniyang kapwa Sparkle artist.
Inamin ni AZ na hindi pa sila nagkakaharap simula nang lumabas siya sa Bahay ni Kuya.
"When I got out of the house, I haven't been in contact with him. Hindi na po kami nag-usap," sabi ni AZ.
Nagfo-focus daw muna ang aktres sa kaniyang career at blessings na natatanggap sa outside world.
Dagdag niya, "But I wish him all the best talaga."
Inamin din ni AZ na hindi pa siya handa sa ngayon na harapin si Larkin. "As of now, I'm not yet ready to talk muna."
"I'm not yet ready to talk to him but like I wanna focus more on myself and career," ipinaliwanag nito.
Matatandaang magkasintahan sina AZ at Larkin nang pumasok si AZ sa loob ng Bahay ni Kuya.
Sa isang episode ng Pinoy Big Brother, nagpadala pa ng sulat si Larkin para ayusin ang kanilang relasyon na dumaan sa ilang pagsubok habang si AZ ay nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Si AZ ay nagwagi bilang PBB Big 4th placer kasama ang kaniyang duo partner na si River Joseph.
Samantala, patuloy na lumalayag ang PBB ship na AZRalph o tambalan nina AZ at Ralph De Leon sa outside world na nabuo sa loob ng Bahay ni Kuya.
RELATED GALLERY: AZ Martinez's sexiest photos