GMA Logo AZ Martinez, Ralph De Leon
Courtesy: @azmartinez_ (TikTok)
What's Hot

AZ Martinez at Ralph De Leon, may entry sa 'Cha Cha Cha' TikTok trend

By EJ Chua
Published June 5, 2026 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bubong ng Pamilihang Bayan ng Malasiqui, nagmistulang waterfalls | One North Central Luzon
Heart Evangelista, Sean Lucas give opinions on taking pics with fans, paying on first date, and more
GMA Network CMO Lizelle Maralag Named to Campaign Asia-Pacific's APAC Power List 2026

Article Inside Page


Showbiz News

AZ Martinez, Ralph De Leon


AZRalph fans sa new TikTok video nina AZ Martinez at Ralph De Leon: “Kulang sa practice, sobra sa chemistry ang atake.”

May bagong video together ang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina AZ Martinez at Ralph De Leon na kilala bilang AZRalph.

Kilig na kilig ang netizens at fans sa kulitan ng dalawa habang ginagawa ang “Cha Cha Cha” trend sa video sharing application na TikTok.

Mababasa sa caption ni AZ, “Okay lang na kulang sa practice basta ikaw lang kasayaw ko @ralph de leon.”

Mapapanood dito ang game na game na pag-acting ng dalawa bago ang pagsayaw nila sa harap ng camera.

Hirit ng ilang fans, kulang daw sa practice pero sobra sa chemistry ang atake nina AZ at Ralph sa video.

Umabot na sa mahigit 780,000 ang views ng naturang video at patuloy pang nadadagdagan ang positive comments na natatanggap ng AZRalph mula sa netizens at kanilang fans.

@azmartinez_ okay lang na kulang sa practice basta ikaw lang ka sayaw ko @ralph de leon ♬ original sound - Kaylene

Matatandaang isa sa videos ng AZRalph na tumatak din sa fans ay ang kanilang buhat moments.

Nagkakilala sina AZ at Ralph sa collab project ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Si Ralph at ang final duo niya na si Will Ashley ang itinanghal na Second Big Placer Duo, habang si AZ at ang kaniyang duo na si River Joseph naman ang itinanghal na Fourth Big Placer Duo sa reality competition.

Related gallery: Bonding moments ng PBB Celebrity Collab Edition housemates sa outside world

Sina AZ at Ralph at ang iba pang ex-PBB collab housemates ay kasalukuyang napapanood sa suspense collab series na The Secrets of Hotel 88.

Ipinapalabas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime.

Napapanood na rin ang serye sa Kapuso Stream, GMA Pinoy TV, TFC, iWant TV, at Kapamilya Online.

Related content: AZ Martinez, Ralph De Leon react to positive feedback on their 'The Secrets of Hotel 88' scenes | Online Exclusive