
Patuloy ang Pinoy Big Brother craze lalo na at may mga pasabog na ayuda at kilig moments ang housemates sa outside world!
Sa TikTok, nakisali sina AZ Martinez at Ralph De Leon sa trending sound na "LASIK" ng Hey June! at mayroong nakakakilig na take ito sa trend.
Sa video, unang lumabas sa frame si Ralph habang kinakanta ang linyang, “Shet, nasaan ang aking salamin?” Pagkatapos ay nag-transition ito, at kasama na niya si AZ na may suot na salamin, sabay titigan nang malapitan na talagang kinakiligan ng netizens.
Sa dulo ng video, lumitaw din sina Will Ashley at Josh For, na tila nanonood kina AZ at Ralph habang nagti-TikTok na may mga pang-asar na reaksyon sa kanilang mga mukha.
"Ah nasa 'yo pala," isinulat ni Ralph sa caption na sinasabing na kay AZ pala ang kaniyang salamin.
Sa comments section, nag-reply si AZ, "Bagay pala sa akin."
@ralph_dl ah nasa 'yo pala @AZ Martinez @Will Ashley @Josh Ford ♬ LASIK - HEY JUNE!
Narito ang reaksyon ng netizens sa nakakakilig na TikTok video ni AZ at Ralph:
Nagsimula ang pag-ship kina AZ at Ralph sa loob ng Bahay ni Kuya, kung saan napansin ng fans ang kanilang close friendship.
Paglabas ng Bahay ni Kuya, lalo pang lumakas ang suporta sa kanila bilang loveteam na tinawag ng fans na "AZRalph."
Pareho silang bahagi ng Big 4, kung saan si AZ at ang kanyang ka-duo na si River Joseph ay itinanghal bilang 4th place, habang sina Ralph at Will ang tinanghal na 2nd place.
Samantala, tingnan dito ang bonding moments ng Pinoy Big Brother housemates sa outside world: