
Nabalot ng kilig ang AZRalph fans sa bagong Tiktok video ng ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina AZ Martinez at Ralph De Leon.
Tampok sa video ang nakakatunaw na titigan nina AZ at Ralph habang nili-lipsync ang trending sound na “Thotiana” na malapit nang magdikit ang kanilang mga mukha.
Sa caption, isinulat ni Ralph ang “#Fullypaid”, na lalong nagpakilig ng kanilang fans.
Sa comments section, nag-iwan ng nakakabitin na reply si AZ, “Maybe I…,” na agad pinansin ng kanilang fans.
Ang kapwa PBB housemate na si Will Ashley ay nagkomento rin at nang-tukso
“May isa pa ako napanuod eh,” sabi nito.
Nakisali rin sina Mika Salamanca at Brent Manalo sa TikTok trend na nauna nang nagpakilig sa kanilang MikBrent fans.
Sa ngayon, pumalo na sa 3.4 million views ang TikTok video nina AZ at Ralph.
@ralph_dl #fullypaid @AZ Martinez ♬ original sound - WYA ADRIAN | DJ
Noong September 27, nagkaroon ng fanmeet sina AZ at Ralph. Samantala, lumabas din sila sa music video ng “Naiilang.”
Nakilala ang tambalan nina AZ at Ralph na AZRalph sa loob ng Bahay ng Kuya.
RELATED GALLERY: Shipped: AZ Martinez and these male celebrities are giving us kilig feels