GMA Logo AZ Martinez, Ralph De Leon
Courtesy: GMA Public Affairs, Unang Hirit
What's Hot

AZ Martinez at Ralph De Leon, nagpapakilig sa fan meet

By EJ Chua
Published June 2, 2026 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angeles City, Pampanga building collapse death toll jumps to 20
NPA group in Caraga ‘collapses’ after remaining members surrender
Local artisanal ice cream to close only shop due to 'high rent'

Article Inside Page


Showbiz News

AZ Martinez, Ralph De Leon


May bagong kilig moments ang AZRalph sa outside world!

Magkasamang dumalo sina AZ Martinez at Ralph De Leon sa event na inihanda ng AZRalph fans para sa favorite nilang ship at love team.

Ito ay isang fan meet na tila naging wedding reception dahil sa paandar ng fans para kina AZ at Ralph.

Habang sabay na naglalakad sa red carpet ng venue, enjoy na enjoy ang kanilang supporters sa paghahagis ng white petals sa AZRalph.

Ang ilan sa mga dumalo, nagbihis pa ng kagaya ni Sari, ang karakter ni AZ sa The Secrets of Hotel 88.

Isa pa sa highlights ng fan meet ay ang pa-fireworks display.

Ayon kina AZ at Ralph, marami pang dapat abangan sa The Secrets of Hotel 88, kung saan napapanood sila bilang magka-love team na sina Sari at Martin.

Narito ang pasilip ng Unang Hirit sa AZRalph Fan Meet:

Marami ang nakapansin sa genuine connection at natural chemistry ng dalawa mula pa sa Bahay Ni Kuya hanggang ngayon na sila ay nasa outside world na.

Sina AZ at Ralph ay parehong ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kung saan nagsimula ang pag-ship sa kanila ng kanilang mga nakasama sa Bahay Ni Kuya at ng viewers.

Patuloy na tumutok sa suspense collab series na The Secrets of Hotel 88.

Ipinapalabas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime.

Napapanood na rin ang serye sa Kapuso Stream, GMA Pinoy TV, TFC, iWant TV, at Kapamilya Online.

Related content: