
Panibagong kilig ang handog nina AZ Martinez at Ralph De Leon sa bago nilang TikTok video together.
Mapapanood sa TikTok video ng AZRalph ang bagong buhatan moment nila na talaga namang kinakiligan ng kanilang fans at maraming netizens.
Mababasa sa caption ng Sparkle actress, “Ganto pala feeling ng mga damit sa washing machine @ralph de leon.”
Mapapansin sa comments section ng TikTok video na talaga namang nagdala ng saya sa fans ang reunion ng AZRalph.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 1.3 million views ang bagong video ng Sparkle actress at Star Magic actor.
@azmartinez_ ganto pala feeling ng mga damit sa washing machine 😭 @ralph de leon ♬ original sound - :)
Sina AZ at Ralph na kilala bilang Team AZRalph ang isa sa mga pinag-usapang love team sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Parehas na mapapanood sina AZ Martinez at Ralph De Leon sa romcom series na The Way Back to You.
Makakasama nila rito ang gaya rin nilang former PBB housemate na si Michael Sager.
Tingnan ang kilig moments ng AZRalph sa gallery na ito.