What's Hot

AZ Martinez at River Joseph, may mga biggest what if sa 'PBB Celebrity Collab'

By Kristine Kang
Published July 9, 2025 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
24 Oras Weekend: (Part 4) December 6, 2025
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

az martinez and river joseph


Ano kaya ang 'biggest what if' nina AZ Martinez at River Joseph? Alamin dito.

Sumalang muli sa isang “Big Jump Challenge” ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition duo na sina AZ Martinez at River Joseph.

Pero hindi na ito sa loob ng Bahay ni Kuya, kundi sa studio ng GMA morning show na Unang Hirit!

Bitbit ang mga kahong may nakasulat na “AzVer,” hinarap ng dalawa ang ilang maintrigang tanong tungkol sa kanilang PBB journey. Kabilang na rito ang kanilang “biggest what ifs.”

Una munang sumagot si AZ, "I would say siguro 'What if wala 'yung core group ko.' I don't think I'll make it."

Mas naantig ang puso ng fans sa studio nang binanggit ni AZ ang lahat ng mga sumusuporta sa kanya sa PBB. Mula sa housemates hanggang sa kanilang duo na AzVer.

"What if wala sila and I know na I wouldn't be here without them. Sila 'yung strength ko, isa sa reason kung bakit din ako lumalaban, and they're my family talaga," dagdag ni AZ.

Para naman kay River, ang kanyang biggest “what if” ay ma-evict sa kanyang unang nominasyon sa PBB.

"How different would my life have been? Ang dami kong mami-miss out, ma-regret," ani River.

"So, I'm so happy na I was able to go through all the nominations when I was nominated and reached the end talaga. No regrets and ang dami talaga naming natutunan sa loob ng Bahay ni Kuya."

Sina AZ at River ang ikatlong duo na pumasok sa Big Four at itinanghal na 4th Big Placer sa katatapos lamang na Big Night noong July 5.

Balikan ang mga kwento ng Kapuso at Kapamilya stars sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa GMANetwork.com.

Samantala, balikan ang pagkapanalo nina AZ Martinez at River Joseph sa PBB Celebrity Collab Edition Big Night: