
Kahit busy sa kanilang showbiz commitments, sinigurado ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si AZ Martinez at Sangˈgre star Skye Chua na maging active sa project ng GMA Kapuso Foundation na Noel Bazaar.
Napili ang dalawang Sparkle artists bilang ambassadors at present sila sa naging ribbon cutting na ginawa sa FILINVEST Tent Alabang at ang Noel Bazaar dito hanggang October 19.
Para sa mestiza beauty na si AZ, importante sa kaniya na maglaan ng panahon para sa mga charitable works.
Sabi niya sa panayam ng 24 Oras, “Anything to do that could help people that help charity. I'm willing to volunteer and be part of it.”
Samantala, ayon naman kay Skye Chua, perfect opportunity ang pagpunta sa Noel Bazaar para simulan ang paghahanap ng Christmas gifts para sa ating pamilya.
“Love na love ko ang mga Bazaar, especially Noel Bazaar siyempre maghahanap tayo ng Christmas gifts and everything,” paliwanag niya sa Chika Minute.
“Not only that, I guess being here also in support of the Kapuso Foundation.”
Video courtesy of GMA Integrated News
RELATED CONTENT: MEET PBB BEAUTY AZ MARTINEZ