What's Hot

AZ Martinez, enjoy kasama si Ralph De Leon sa isang music video

By Kristine Kang
Published September 11, 2025 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'PBB Collab 2.0': KrysTon, CapGo featured on EDSA billboards
Drunk man sets self on fire after forcing way into house
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

AZ Martinez, ralph de leon


PBB Celebrity Collab star AZ Martinez kay Ralph De Leon: 'I really had fun working with him'

Mula sa loob ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition hanggang sa labas ng Bahay ni Kuya, tuloy-tuloy pa rin ang kilig ng fans kina AZ Martinez at Ralph De Leon.

Kamakailan, bumida ang dalawa sa music video ni Le John na “Naiilang.” Labis na kinilig ang fans sa kanilang chemistry, mula sa simpleng tinginan hanggang sa mga simpleng ngiti ng duo.

Sa guesting ni AZ sa GMA morning show na Unang Hirit, ibinahagi ng Kapuso actress ang saya na makatrabaho si Ralph.

"I really had fun working with him as in ang galing niya ka-work and ang galing niya mag-acting," ani AZ. "Like feel na feel namin nasa music video kami and we we really enjoy. Parang we weren't working at all... Parang we were just hanging out. Just doing what we usually do."

Aminado rin si AZ na mas naging matibay ang koneksyon nila ni Ralph ngayon na nasa outside world na sila.

"I think I can say na mas naging close kami paglabas ng bahay," kuwento niya.

Maliban sa kanyang screen partner, labis din ang pasasalamat ni AZ sa fans na walang sawang sumusuporta sa kanya at sa kanilang tandem.

"Sobrang thankful talaga ako for them," sabi niya. "Alam mo, sobrang ma-effort talaga sila. Lagi sila nandyan sa every ganap ko which I really appreciate kasi parang they take the time and effort. I feel so loved as in parang nava-value talaga ako ng sobrang sobra kasi lagi sila nandoon."

Nagwagi si AZ Martinez bilang 4th Big Placer ng season kasama ang kanyang duo na si River Joseph.

Samantala, sina Ralph De Leon at Will Ashley naman ang itinanghal na 2nd Big Placer.

Tingnan ang iba pang Kapuso stars na bumida sa mga music video sa gallery na ito: