
Nasa self-care era at abala sa kanyang fitness journey ang Sparkle star na si AZ Martinez.
Makikita sa kanyang recent social media posts ang photos niya kasama ang ilan sa kanyang ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na gym buddies niya ngayon.
Sa event ng kanyang bagong endorsement, ikinuwento ni AZ sa GMANetwork.com at GMA Integrated News ang tungkol sa workout sessions nila nina Ralph De Leon at Vince Maristela.
Related gallery: AZ Martinez epitomizes 'the gold standard of radiance' in her new endorsement
Ayon sa Miss Sunuring Daughter ng Cebu, “We've been working out a lot lately also with Vince. Si Vince at si Ralph they love to workout, ako I'm getting into working out na rin.”
“We decided na we go workout, kapag free kami, kapag we can together, kami or ako lang ganon. It's like our bonding moment na rin. We enjoy doing that together,” dagdag pa niya.
Pahabol pa ni AZ, bukod pa sa pagwo-workout sa gym ay magkakasama rin sila sa pagtakbo.
Sabi niya, “We've been running also. We've been working out a lot together.”
Courtesy: GMA Integrated News
Samantala, sina Ralph De Leon at Vince Maristela ay parehas na isini-ship kay AZ Martinez.
Kinakikiligan ng fans at netizens ang kanilang TikTok collaboration at kulitan moments.
Si AZ at ang kanyang final duo na si River Joseph ang itinanghal na Fourth Big Placer Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.