GMA Logo AZ Martinez, Esnyr
What's Hot

AZ Martinez, Esnyr, pinakabagong housemates na nakakuha ng immunity

By Kristian Eric Javier
Published May 25, 2025 7:47 PM PHT
Updated May 25, 2025 8:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

AZ Martinez, Esnyr


Sina AZ Martinez at Esnyr ang pinakabagong housemates na may nomination immunity sa 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'

Sina Kapuso actress AZ Martinez at Kapamilya star Esnyr ang pinakabagong housemates na nakakuha ng immunity mula sa latest nomination sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Makakasama nila na may immunity sina Shuvee Etrata at Ralph De Leon na nauna nang nakakuha ng immunity.

Sa episode ngayong Linggo, May 25, ay nagpatuloy ang intensity challenge na kailangan gawin ng housemates. Ang buong pag-aakala nila ay challenge lang ito para makapili ng huli nilang makaka-Duo sa loob ng bahay ni Kuya.

Ngunit pagkatapos ng naunang challenge, ibinahagi ni Kuya na magsisimula na ang totoong challenge kung saan kailangan nilang paputukin ang lobo ng ibang housemates. Ang pagkaubos ng lobo sa kanilang board ay nangangahulugan ng automatic nomination.

Unang naglaro ang Kapuso stars kung saan ang natira at nakakuha ng immunity ay si AZ. Naiwan naman sa Kapamilya stars si Esnyr.

BALIKAN ANG KAPUSO AT KAPAMILYA HOUSEMATES SA LOOB NG BAHAY NI KUYA SA GALLERY NA ITO:

Noong Biyernes, May 22, naman ginawa ang unang intensity challenge kung saan tinagurian si Shuvee bilang pinakamablis na natapos para sa Kapuso stars. Nakuha naman ni Ralph and panalo para sa Kapamilya stars.

Bukod sa immunity sa nominasyon, may kakayanan din ang apat na housemates na mamili ng kanilang final Duo sa takdang panahon.

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ito, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.