GMA Logo AZ Martinez, Ralph De Leon, Kira Balinger, Josh Ford, Charlie Fleming
Courtesy: ralph_dl (IG), _azmartinez (IG), kira_vbalinger (IG)
What's Hot

AZ Martinez, gaano na ka-close ngayon sa kanyang ex-PBB housemates?

By EJ Chua
Published October 15, 2025 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos joins Muslims in observing Al Isra Wal Mi’raj
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

AZ Martinez, Ralph De Leon, Kira Balinger, Josh Ford, Charlie Fleming


AZ Martinez sa friendship with ex-PBB housemates: “Lagi na rin kami magkakasama, parang in a week, a lot.”

Mula nang lumabas ng Bahay Ni Kuya, kapansin-pansin na mas naging malapit sa isa't isa ang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Nagkuwento tungkol dito ang Sparkle star at tinaguriang Miss Sunuring Daughter ng Cebu na si AZ Martinez.

Sa panayam kay AZ ng GMANetwork.com at GMA Integrated News, sinabi niyang close na close sila ngayon ng kanyang gym buddies na sina Ralph De Leon at Vince Maristela.

Pahayag ni AZ, “I would say na kami [sina Ralph and Vince] we got really close. We got closer. Ibang klaseng close 'yung sa loob ng Bahay Ni Kuya and 'yung paglabas mas close pa. Mas naging close kami in a different level."

"Lagi na rin kami magkakasama, parang in a week, a lot. Not only working out but dinner also," dagdag pa ni AZ.

Bukod sa kanilang workout sessions, madalas din umano nilang nakaka-bonding ang iba pang ex-housemates.

“We are hanging out with friends. We enjoy each other's company, kaming lahat,” sabi niya.

Related gallery: These ex-PBB Celebrity Collab Edition housemates are friendship goals

Si AZ at ang kanyang final duo na si River Joseph ang itinanghal na Fourth Big Placer Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Samantala, sina AZ, Ralph, at iba pang ex-housemates ng reality competition ay mapapanood sa upcoming series na The Secrets of Hotel 88.