
Hanggang sa outside world ay patuloy na kinakikiligan ng netizens at fans ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang AZRalph, ang tambalan nina AZ Martinez at Ralph De Leon.
Related Gallery: Bonding moments ng PBB Celebrity Collab Edition housemates
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, masayang ibinahagi ni AZ na isa si Ralph sa ex-housemates ni Kuya sa mga gusto niyang makatrabaho sa entertainment industry.
Pahayag ng Sparkle star, “I want to work with Ralph [De Leon]. I feel like it's going to be fun working with him and hindi ko pa rin siya nakaka-work.”
“Siguro, I want to with work Ralph sa romcom. Romcom would be nice,” dagdag ni AZ.
Sa GMA Integrated News interview, sinabi noon ni AZ na gusto pa niyang mas makilala ang Star Magic artist ngayong sila ay nasa outside world na.
Sabi niya, “I hope to get to know him more here in the outside world.”
Bukod kay Ralph, looking forward din si AZ na makatrabaho ang kanyang final duo sa Bahay Ni Kuya na si River Joseph at iba pang ex-housemates.
Samantala, sina AZ at Ralph ay nakilala sa hit collab ng GMA at ABS-CBN bilang Miss Sunuring Daughter ng Cebu at Dutiful Judo-son ng Cavite.
Si AZ ang itinanghal na Fourth Placer sa reality competition kasama ang kanyang huling duo na si River Joseph. Second Placer naman dito si Ralph at ang final duo niya na si Will Ashley.