
Isang bago at exciting task ang natanggap at gagampanan ni AZ Martinez sa outside world.
Ipinakilala si AZ bilang bagong host-mate sa Unang Hirit at bagong miyembro ng Unang Hirit Barkada nitong Martes, September 9.
Labis na kinagiliwan ng hosts na sina Lyn Ching at Kaloy Tingcungco ang genuine personality ng Sparkle star at ang napakataas niyang energy bilang host-mate.
Mapapanood sa ilang short clips sa Unang Hirit Facebook page ang makulit na pagho-host ni AZ na umani rin ng positive reactions at comments mula sa viewers at netizens.
Sabi ng ilan sa kanila, naaaliw sila sa natural na kulit ng Kapuso star.
Bukod sa kanya, naging host-mate din sa programa ang kanyang fellow Sparkle stars at ex-housemates na sina Josh Ford, Shuvee Etrata, Michael Sager, at iba pa.
Si AZ ay nakilala sa recently concluded reality show na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Miss Sunuring Daughter ng Cebu.
Sa Big Night ng teleserye ng totoong buhay ng mga sikat, itinanghal si AZ at ang kanyang final duo na si River Joseph bilang Fourth Big Placer Duo.
Mula sa Bahay Ni Kuya hanggang outside world, maraming fans ang talaga namang patuloy na nagsi-ship kay AZ at sa Dutiful Judo-son ng Cavite na si Ralph De Leon.