
Matapos ang successful stint ni AZ Martinez sa hit reality show na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, isang bagong pagsubok ang haharapin ng dalaga: ang magpatawa sa Bubble Gang!
Kinumpirma ng Bubble Gang comedian na si Betong Sumaya sa TikTok na makikisaya sa longest running gag show ng bayan si AZ.
Sabi ni Betong sa caption ng kanyang post, “Hi Guys, abangan si [AZ Martinez] sa 'Bubble Gang,' amazing.”
@amazingbetong Hi Guys, abangan si @AZ Martinez sa Bubble Gang, amazing 🤩 #TyPoLORD #Blessing #BubbleGang #AZVER #AZMartinez #PBB ♬ Fun, cute, YouTube, CM(1070783) - Darian
Hindi rin pinalagpas ng Sparkle comedian na gumawa ng TikTok collab kasama si AZ.
@amazingbetong Pagod ka na ba @AZ Martinez? 😂😂😂 #TyPoLORD #Blessing #BubbleGang #AZMartiner #PBB #AZVER ♬ original sound - Christian Antolin
Itinanghal na Fourth Big Placer si AZ at ang ka-duo niyang si River Joseph sa PBB Big Night. Samantala, ang tandem ng BreKa na binubuo nina Brent Manalo at Mika Salamanca ang nanalo bilang Big Winner Duo.
RELATED CONTENT: AZ Martinez's sexiest photos