
Patuloy na kinakikiligan ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition fans sina AZ Martinez at Ralph De Leon.
Sa showbiz report na ipinalabas sa 24 Oras, may pasilip sa naging panayam ni Aubrey Carampel kay AZ at final duo nito na si River Joseph.
Isa mga ibinahagi ng Sparkle star sa GMA Integrated News Interviews ay ang tungkol sa real score nila ng Star Magic artist na si Ralph.
Related gallery: Facts about PBB Celebrity Collab housemate AZ Martinez
Ayon kay AZ, “We're really good friends. Hindi pa po kami gaano nakapag-catch up kasi we are enjoying time with our families…”
Masaya rin binanggit ng Kapuso star na ngayong nasa outside world na sila ay mas gusto niya pang makilala si Ralph.
“I hope to get to know him more here in the outside world,” pahabol niya.
Mula sa Bahay Ni Kuya hanggang ngayon na sila ay nasa labas na nito, nakilala ang ex-housemates bilang AZRalph.
Bukod dito, nakilala sina AZ at Ralph sa katatapos lang na hit teleserye ng totoong buhay bilang Miss Sunuring Daughter ng Cebu at Dutiful Judo-son ng Cavite.
Si AZ ang itinanghal na Fourth Placer sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition kasama ang kanyang final duo na si River Joseph.
Second Placer naman dito si Ralph at ang final duo niya na si Will Ashley.
Napanood ang programa sa loob ng apat na buwan sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Balikan ang moments ng housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'