
Excited na rin si AZ Martinez sa muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya, kaya't hindi rin siya nagpahuli sa pagbibigay ng tips sa mga susunod na housemates.
Sa isa sa videos na inilabas ng 'Pinoy Big Brother' sa social media, masayang ibinahagi ni AZ ang payo niya sa mga maninirahan sa iconic house sa 'Pinoy Big Brother Collab 3.0.'
“Ano ang mabibigay kong tip sa inyo? Honestly, like what they always say, just be yourself. If you feel na nago-overthink ka, ang daming cameras, ano na kaya ang iniisip ng mga ibang tao sa labas pati mga kasama mo na housemates, don't try to control the things that you can't take control of,” pahayag ng Sparkle star.
Isa pa sa mga gusto ni AZ na pahalagahan ng next housemates ay ang pagiging humble.
Dagdag niya, “Just be yourself. Always make sure na you remember your core, you remember your values. Stay grounded no matter what happens. Maging totoo ka lang talaga, just be yourself, show them who you are.”
Video by Pinoy Big Brother
Si AZ ang itinanghal na Kapuso Fourth Big Placer sa season 1 ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'
RELATED CONTENT: These ex-PBB Celebrity Collab Edition housemates are friendship goals
Kasabay niyang nakakuha ng title ang Kapamilya housemate na si River Joseph na naging ka-duo niya sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Samantala, ang ongoing audition para sa bagong collab edition ay open para sa Filipinos worldwide na nasa edad 18 to 35 years old.
Abangan pa ang next updates tungkol sa 'Pinoy Big Brother Collab 3.0' sa GMANetwork.com.