GMA Logo AZ Martinez
Source: _azmartinez (IG), Viu Philippines
What's Hot

AZ Martinez, pinusuan ng viewers ang paglabas sa 'Love, Siargao'

By Karen Juliane Crucillo
Published July 27, 2026 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SONA 2026: Marcos says gov't acted swiftly to ease impact of Middle East crisis
The rise of hyper-specialization: why Filipinos travel to Metro Manila for arm sculpting
LIVE - SONA 2026-Pres. Bongbong Marcos' 5th State of the Nation Address (July 27) | GMA Regional TV

Article Inside Page


Showbiz News

AZ Martinez


Pinusuan ng viewers ang paglabas ng karakter ni AZ Martinez sa 'Love, Siargao.'

Ipinakilala na ang karakter ni AZ Martinez sa romantic comedy series na Love, Siargao noong Biyernes, July 24.

Sa July 24 episode, unang nasilayan ng viewers ang karakter ni AZ matapos itong mapadpad sa Siargao. Gagampanan niya ang role ni Lexi, isang kakilala at kaibigan ni Jao (Alden Richards).

Marami ang natuwa at na-excite sa pagpasok ng karakter ni AZ sa serye. Kuwinestiyon din ng ilang viewers kung siya ba ang magiging karibal ni Kara (Nadine Lustre) sa puso ni Jao.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa karakter ni AZ sa Love, Siargao:

Kasama rin sa cast ng serye sina Coleen Garcia, Kim Ji Soo, Kyline Alcantara, Vince Maristela, Gab Lagman, Kakki Teodoro, Adrian Lindayag, at Christopher Diwata.

Mapapanood ang Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m., sa Viu Philippines.