
May bagong special visitors ang Kabataang Pinoy housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Kaabang-abang ang pagbabalik ng tatlong ex-housemates sa Bahay Ni Kuya na sina AZ Martinez, Ralph De Leon, at River Joseph.
Mapapanood ang mga eksena sa muli nilang pagpasok sa iconic house ngayong Miyerkules, February 11.
Matatandaang si Ralph at ang Kapuso housemate na si Will Ashley ang itinangal na Second Big Placer Duo sa Big Night, habang sina AZ at River naman ang Fourth Big Placer Duo.
Kabilang sina AZ, Ralph, at River sa cast ng upcoming suspense collab series na The Secrets of Hotel 88, kung saan kasama rin nila ang iba pang ex-housemates gaya na lang nina Mika Salamanca, Brent Manalo, Will Ashley, Dustin Yu, Josh Ford, at marami pang iba.
Samantala, ano nga ba ang task nina AZ, Ralph, at River sa Bahay Ni Kuya?
Ano kaya ang magiging reaksyon ng current housemates sa pagtatagpo nila ng ex-housemates na mula sa unang season ng collab?
Abangan ang mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.