
May kaunting pasilip si AZ Martinez sa kaniyang outfit para sa highly anticipated event na GMA Gala 2025.
Related gallery: AZ Martinez's sexiest photos
Sa dalawang photos na ini-upload ni AZ sa kaniyang Instagram account, ibinida niya ang itsura ng kaniyang bag at shoes na gagamitin niya para sa event.
Isang silver stylish clutch bag at silver glass high heels ang dadalhin at isusuot ng Sparkle star sa GMA Gala ngayong taon.
Sulat niya sa caption ng kaniyang post, “Not sharing everything… yet.”
Mayroon nang mahigit 17,000 heart reactions ang latest post ni AZ sa Instagram.
Napanood si AZ kamakailan lang bilang isa sa housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Itinanghal na Fourth Big Placer Duo si AZ at ang kanyiang final duo na si River Joseph sa Big Night ng hit teleserye ng totoong buhay ng mga sikat.
Samantala, abangan ang kaniyang look sa GMA Gala 2025, na magaganap ngayong Sabado, August 2, sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.