
May bagong aabangan ngayong Kapaskuhan sa Sanggang-Dikit FR, na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Tampok sa GMA Prime action-drama series ang Sparkle artists na sina AZ Martinez, Waynona Collings, Shayne Sava, at Roxie Smith na gaganap bilang "Santa Babies."
Sa teaser ng Sanggang-Dikit ngayong Huwebes, December 18, nakabihis sila na tila si Santa Claus bilang disguise habang tinututukan nila ng baril ang isang couple bago ito nakawan.
Dahil sa kanilang maaamong mukha, mahihirapan ang Station 12 na resolbahin kung sino ang notorious na snatcher sa kanilang lugar.
Mapapanood din sa Sanggang-Dikit FR bilang guest star ang seasoned actress na si Malou De Guzman.
Ipinapalabas ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:55 p.m., pagkatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.
RELATED CONTENT: 'Sanggang-Dikit FR' wows viewers with star-studded guest appearances