
Naging bahagi ng happy time at pamimigay ng blessings sa TiktoClock sina AZ Martinez, Will Ashley, at Charlie Fleming.
Ngayong August 5, napanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates sa ilang masasayang segments sa TiktoClock.
Naging bahagi sina AZ, Will, at Charlie ng Match Maswerte para magbigay ng papremyo sa maswerteng Tiktropa. Samantala, naialay naman si AZ sa Bwi-seat Blaster sa 'Sang Tanong, 'Sang Sabog. Nakita rito ang kaalaman ni AZ sa showbiz trivia questions at ang galing nina Will at Charlie sa pagkumbinse kay AZ sa pagpili ng sagot.
Balikan ang kanilang masayang pagbisita ngayong Martes sa TiktoClock:
SAMANTALA, NARITO ANG MGA LARAWAN NG PBB CELEBRITY COLLAB EDITION HOUSEMATES SA GMA GALA 2025: